CAUAYAN CITY- Gumagawa na ng paraan ang provincial government ng Isabela upang matulungan ang mga magsasakang maapektuhan ng pagpapatupad ng rice tarrification law.
Ito ay dahil sa paniwalang malaki ang magiging epekto sa Isabela na isa sa rice surplus producer ang pagpapatupad ng nasabing batas
Dahil dito hindi kakayanin na makipagsabayan ng Isabela sa presyo ng mga imported rice na mababa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez sa ngayon ay naghahanap na ang Isabela ng alternative markets upang bumili ng mga local produce rice ng Isabela.
Nauna rito tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture region 2 at National Food Authority region 2 ang tulong sa mga magsasaka na maapektuhan ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law sa isinagawang dayalogo ng rice tarrification law sa amphitheater ng provincial government ng Isabela.
Pinangunahan ang dayalogo nina Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 at NFA Regional Director Rocky Valdez.
Sa nasabing dayalogo ay nakiusap si Regional Executive Director Edillo sa mga magsasaka na magtiwala sa Rice Trarification law.
Sinabi niya na bubuhusan ng pond ng pamahalaan ang pagsasaka sa bansa sa pamamagitan ng ipagkakaloob na mekanismo at pagsasaliksik.