CAUAYAN CITY – Inaresto at kakasuhan ng murder ang mag-ama na suspek sa pagpatay at pagtapon sa irigasyon sa bangkay ng isang senior citizen na magsasaka.
Natagpuang palutang-lutang kahapon sa irrigation canal sa Lepanto, Quezon, Isabela ang bangkay ni Ramon Cuizon, 63 anyos, residente ng Arellano, Quezon, Isabela.
Mayroon siyang taga sa leeg, putol ang kaliwang kamatay at halos maihiwalay ang ulo sa katawan.
Ang mga kakasuhan ng murder ay ang mag-amang Edwin at Jerry Seguin, residente ng Lepanto, Quezon, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Captain Fresiel Dela Cruz, hepe ng Quezon Police Station, sinabi niya na inamin ng mga suspek ang pagpatay sa biktima dahil sa hidwaan sa lupa ngunit iniimbestigahan pa nila ang ilang anggulo.
inamin ng mga suspek ang pagpatay sa biktima dahil sa hidwaan sa lupa ngunit iniimbestigahan pa nila ang ilang anggulo.