--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 7, 900 na pulis ang augmentation force ng Police Regional Office 2 (PRO2) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lalawigan sa ikalawang rehiyon para magbigay ng seguridad sa halalan sa Mayo 13, 2019.

Makakatuwang ng PRO2 sa pagbibigay ng seguridad sa halalan ang mga sundalo ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt.Col. Chivalier Iringan, Information Officer ng PRO2 na ang isinagawa nilang send-off ceremony ay dinaluhan ni Regional Director Julius Torres ng Commission on Elections (COMELEC) region 2, mga opisyal ng PRO2 at pamunuan ng 5th ID.

Sa pamamagitan ng augmentation force mula sa PRO2 ay madadagdagan ang mga pulis na magbabantay sa halalan sa mga bayan, lunsod at lalawigan sa region 2.

--Ads--

Pangunahing babantayan ng mga pulis at sundalo ang mga lugar na mainit ang tunggalian ng mga kandidato at ang Jones, Isabela na nasa red category.