--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaalala sa publiko ang Cauayan City Health Office (CHO) kaugnay ng World No Tobacco Day sa May 31, 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education Promotion Officer Erol Maximo ng CHO, sinabi niya na ang tema ngayong taon ng World No Tobacco Day ay “Tobacco and Lung Health” kayat pinaalalahan niya ang publiko kaugnay sa pangmatagalang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan lalo na sa baga.

Aniya, ang mga sakit na maaaring makuha sa mahabang panahon ng paninigarilyo ay kanser sa baga at iba pang bahagi ng katawan, highblood, stroke at iba pa.

Sa kanyang pagtaya ay nasa 30% pa rin ng populasyon sa Lunsod ng Cauayan ang naninigarilyo kabilang ang mga menor de edad.

--Ads--

Nakipag-ugnayan sila Department of Education (DepEd) para sa mahigpit na pagbabawal ng paninigarilyo sa mga paaralan.

Bukod dito ay patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng pamahalaang lunsod sa ordinansa na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.