CAUAYAN CITY – Nanawagan ang Department of the Interior and LocalGoverment (DILG) region 2 sa mga grupong sumusuporta sa pederalismo na huwag gamitin ang isinusulong nila upang makahingi ng salapi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Jonathan Paul Leusen Jr. ng DILG Region 2, sinabi niya na hindi dapat ginagamit ng mga grupo ang pagsusulong at pagtuturo nila sa publiko sa kahalagaHan ng pederalismo upang humingi ng pera.
Tinukoy niya ang Lambak ng Cagayan na may mga napaulat na grupong naniningil ng pera bilang pondo sa isinusulong nilang pederalismo.
Ayon kay Regional Director Leusen, naipatala na nila sa police blotter ang naturang grupo at kinausap upang hindi na uulitin ang kanilang ginagawang paniningil.
Nilinaw niya na libre naman ang pagasasagawa nila ng information drive kaugnay sa pederalismo na isinusulong ng pangasiwaang Duterte.
Kailangan lamang lumapit sa kanilang tanggapan ang mga nagnanais na malaman kung ano ang pedaralismo.
Una nang naglabas ng pabatid ang DILG upang mapigilan ang ilang grupo na mangolekto ng pondo para sa pagsusulong ng pederalismo.