--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakakulong na at sasampahan ng pulisya ng kasong parricide ang isang magsasaka na pinatay ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagtaga sa kanyang ulo gamit ang palakol.

Ang biktima ay si Juanita Innud, 67 anyos, residente ng Whigan, Cordon, Isabela habang ang suspek ay ang anak na si Tony, 42 anyos, magsasaka at residente ng Gomez, Cabarroguis, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt Allan Batara, deputy chief of police ng Cordon Police Station na umuwi ang suspek na mainit ang ulo dahil nakaaway ang kanyang pinsan sa kanilang naganap na inuman sa bahay ng kanyang kapatid.

Una umanong hinabol ng palakol ni Tony ang kanyang pamangkin ngunit nakatakbo kaya napagbalingan niya ng kanyang galit ang ina.

--Ads--

Sobra umano ang kalasingan ng suspek at nawala sa sarili kaya napatay ang ina na nagtamo ng tatlong taga sa ulo.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit dead on arrival.

Hindi tumakas ang suspek at nakatulog sa sobrang nainom na alak.

Pinosasan siya ng mga tumugon na pulis ngunit hindi nagising dahil sa kalasingan.

Ang mister ng biktima ay wala sa kanilang bahay dahil nagbabantay ng palaisdaan.

Ayon kay PLt. Batara, isasampa nila sa piskalya sa Lunes ang kasong parricide laban kay Tony Innud.

Ang tinigni PLt Allan Batara

Sinabi naman ng kanyang nakatatandang kapatid ng suspek na si Elpidio Innud na pag-uusapan nilang magkakapatid kung kakasuhan o hindi ang kanilang kapatid.

Ayon sa kanya, umuwi sa kanilang lugar sa Cordon, Isabela si Tony para sakahin ang kanilang bukid.

Kagabi ay nakipag-inuman sa bahay ng kanilang kapatid at nakaaway ang kanilang pinsan tungkol sa diskusyon sa larong basketball.

Nagkaroon umano ng pagtatalo kaya nagwala ang suspek.

Umuwi na naghahamon at napagbalingan ang kanilang ina.

Ang tinig ni Elpidio Innud