--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ni Congressman Antonio Albano ng 1st district ng Isabela na pag-aaralan nilang mabuti sa Kongreso ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang parusang kamatayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Congressman Albano na bagamat isa siyang pro-life ay pinag-iisipan na rin niya ang pagsang-ayon sa pagbuhay ng parusang kamatayan.

Naniniwala ang mambabatas na kailangan na ring wakasan ang karumal-dumal na krimen at patawan ng parusang kamatayan ang mga sangkot dito.

Tinukoy niya ang nangyaring panggagahasa ng 28 anyos na manggagawa sa 1 anyos na sanggol na lalaki sa San Antonio, Makati City noong nakaraang linggo.

--Ads--

Gayunman, nilinaw niyang titiyakin nila na kung maipapasa ang panukalang batas ay mapapangalagaan ang kapakanan ng mga walang kasalanan.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong lunes, July 22, 2019 nais niyang buhayin ang parusang kamatayan para sa mga krimen na may kinalaman sa illegal na droga at plunder.

Ang tinig ni Congressman Antonio Albano