CAUAYAN CITY – Malayo pa sa spilling level ang water elevation ng Magat dam sa gitna mga mga pag-ulan na dulot ng bagyong Jenny
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engineer Eduardo Ramos, division manager ng Magat Dam and Reservoir Division ng National Irrigation Administration Magat River Irrigation Integrated System (NIA-MARIIS), sinabi niya na ang water elevation ng Magat Dam kaninang 7 ng umaga ay 183.65 meters above sea level.
Ito ay 6.35 meters ang layo sa spilling level na 190 meters.
Ang pumapasok na tubig ay 192 cubic meters per second (cms) habang ang outflow na ginagamit sa power generation at irrigation ay 164 cms.
Sinabi ni Engr. Ramos na may natanggap silang mensahe mula sa kanilang head office na bawasan ng 50 percent ang ipinapalabas nilang tubig patungo sa mga irrigation canal.
Ito ay kapag malakas ang bagyo at dalhin na lamang ang tubig sa Magat River.