--Ads--
CAUAYAN CITY – Hindi pa ganap na nakakalabas ng bansa ang bagyong Jenny ay mayroon na namang binabantayan ang Pagasa na bagong Low Pressure Area (LPA) sa Silangang bahagi ng Visayas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ramil Tuppil, chief meteorologist ng PAGASA-DOST sa Echague, Isabela, sinabi niya na nasa West Philippine Sea na ang bagyong Jenny at inaasahang makakalabas ngayong araw.
Aniya, aasahan na ang magandang panahon simula bukas ngunit mararanasan ang pag-ulan na may pulu-pulong pagkulog at pagkidlat tuwing hapon o gabi.
Patuloy pa ring nakakaapekto ang hanging habagat sa Timog na bahagi ng Luzon, Palawan, Eastern section ng Visayas at Western section ng Mindanao.
--Ads--