--Ads--

CAUAYAN CITY – Lima hanggang anim na gintong medalya ang puntirya ng Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA na mapanalunan sa pagsabak nila sa athletics event ng SEA Games sa ikaanim ng disyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Eduard Kho, Director ng Marketing & Communications ng PATAFA, sinabi niya na bagamat dalawa sa kanilang atleta ang nagtamo ng injury habang nagsasanay ay nakakatiyak siya na handang-handa na ang kanilang mga atleta upang sumabak sa mga athletics events.

Aniya kabilang sa pambato ng Pilipinas sa Pole vault si Hokett  Delos Santos na tubong Lunsod ng Ilagan.

Inaasahan ng PATAFA na mananalo siya ng gintong medalya sa pagtatambal nila ni Ernest John Obiena.

--Ads--
Tinig ni Eduard Kho, Director ng Marketing & Communications ng PATAFA

Matatandaang hindi nakapaglaro si Obiena noong nakaraang Sea Games 2018 na ginanap sa Jakarta, Indonesia matapos na magtamo ng Injury.