--Ads--

CAUAYAN CITY –  Bibisita sa region 2 si Agriculture Secretary William Dar sa susunod na linggo  upang magsawa ng aerial inspection sa mga lugar na napinsala ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive director Narciso Edillo ng DA region 2 sinabi niya na nais makita ng kalihim ang lawak ng pinsala sa agrikultura na dulot ng mga naganap na pagbaha.

Ayon pa kay Regional Director Edillo, batay sa kanilang talaan umaabot sa 13,000 hectares ng palay na nasa vegetative stage ang napinsala, 7,000 hectares ang nasa reproductive stage at 23,000 hectares ang nasa maturity stage na.

Sa mais ay 88,843 hectares na nasa vegitative stage na  ang napinsala at karamihan ay nakatanim sa  malapit sa Cagayan river basin.

--Ads--

Maliban sa palay at mais ay naitala rin ng DA region 2 ang napinsalang 43,000 hectares ng mga high value crops.

Dahil aniya sa malawakang pinsala sa mga tanim na palay at mais ay posibleng maapektuhan ang food security sa bansa dahil nagpapadala ang rehiyon ng malaking kontribusyon ng pagkain sa ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.