--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala pang kumukuha sa bangkay ng isang babae na natagpuang palutang-lutang sa ilog sa barangay Pinto, Alfonso Lista, Ifugao.

Hinihinalang pinalo ng matigas na bagay ang ulo babae na natagpuang palutang-lutang sa ilog kahapon.

Sa nakuhang impormasyon ng bombo Radyo Cauayan sa Alfonso Lista Police Station, may sugat sa ulo ang babae na hindi pa nakilala ang pangalan.

Maigsi ang buhok ng biktima na nakasuot ng  pula at berdeng damit, shortpants  na kulay brown, jacket na gray at tinatayang may taas na 4’11.

--Ads--

Hiniling ng Alfonso Lista Police Station  sa mga nawawalan ng kamag-anak na  magtungo sila sa kanilang himpilan ng pulisya para makita ang bangkay ng  babae upang makilala.