CAUAYAN CITY – Nakiisa ang mga estudiyante Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) sa pagtulong sa mga evacuees sa Batangas.
Nagpadala ang TESDA-Isabela ng 2,000 facemask at mahigit 1,000 baked pastries na ginawa ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong bake and pastries at dressmaking at kanilang mga guro para makapagbigay ng tulong sa mga lumikas na residente dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Igmedio Casticon, Provincial Director ng TESDA-Isabela, sinabi niya na bukod sa mga naipadalang facemask at baked pastries ay nag-ambag ang mga estudiyante ng TESDA region 2 upang makalikom ng karagdagang cash assistance para sa iba pang pangangailangan ng mga evacuees.
Ayon kay Mr. Casticon, bukas ang kanilang tanggapan sa posibleng pagbibigay muli ng mga facemask, baked pastries at iba pang kagamitan para sa mga residenteng apektado ng pag-aabalburuto ng bulkang Taal.














