--Ads--

CAUAYAN CITY – Nababahala ngayon ang mga Doctor sa Isabela dahil sa kawalan ng mga Protective medical equipment na kanilang magagamit upang hindi mahawaan kapag nagkaroon ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Manango, pangulo ng Isabela Medical Society, sinabi niya na ang pangunahing pangangailangan na face mask o N95 na gagamitin ng mga health workers o mga frontliners ay wala ng mabili.

Ayon pa kay Dr. Manango, wala silang magawa kundi magtiis at magdasal na wala silang maitalang kaso ng virus dahil wala silang magamit na Protective medical equipment.

Sinabi pa ni Dr. Manango na pinagtitiyagaan na lamang nila ang mga surgical mask at improvised face mask.

--Ads--

Sinusunod anya ng mga namamahala sa mga private hospitals ang protocols na ibinigay ng DOH at WHO.