--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang Sangguniang Bayan Member ng Quezon, Nueva Vizcaya matapos mag-amok at lumabag sa Liquor ban kaugnay ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa Quezon Police Station, ang pinaghihinalaan ay si SB Member Reynante Jose, nasa tamang edad at residente ng Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya.

Una rito nakatanggap ang Quezon Police Station ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa panggugulo ng SB member.

Agad na tumugon ang mga pulis at nang makita sila ng pinaghihinalaan ay nagbitaw siya ng mga masasakit na salita.

--Ads--

Dulot ng kalasingan ay hinamon pa ng SB Member ang mga pulis kaya siya ay dinakip.

Kasong direct assault upon person or his agent in authority at paglabag sa Republic Act 11332 sa ilalim ng ECQ ang kakaharapin ng SB member na dinala na sa Quezon Police Station.