--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagmimistulang ghost town ang ilang sikat na pasyalan sa Singapore matapos na isailalim sa circuit breaker Law ang buong Singapore upang malabanan Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Era Alphine Gamet, OFW sa Singapore na tubong lalawigan ng Quirino, sinabi niya na sinimulan ng ipatupad ng Pamahalaan ng Singapore ang circuit breaker measures kung saan mahigpit ng ipinagbabawal ang pagkakaroon ng Holiday, family gatherings, maging ang pamamasyal sa bahay ng iba.

Aniya, kalakip ng nasabing pununtunan ang mabigat na parusa sa mga lalabag, maaring magmulta at makulong ang sinumang lalabag sa mga panuntunan.

Mahigpit ding ipinag-uutos ang pagsusuot ng face mask.

--Ads--

Pinayuhan din ang lahat ng mga kasambahay na mag stay at home at ang mahuhuling magtutungo sa ibang bahay ay pagmumultahin.

Batay sa pinakahuling talaan ng Singapore health news umabot na sa halos anim na libo ang naitatalang COVID-19 case at karamihan sa mga naitatala ay mula sa mga dormitory kung saan naninirahan ang ibat ibang lahi na nagtratrabaho bilang mga Foreign workers.

Maliban dito ay inilunsad na rin ng Singapore ang isang mobile Application na ginagamit sa contact tracing para sa mga indibiduwal na positibo sa COVID-19.

Tinig ni Era Alphine Gamet, OFW sa Singapore.