--Ads--

CAUAYAN CITY  – Nakumpiska ng mga kasapi ng San Guillermo Police Station ang mahigit 81 piraso ng iligal na pinutol na kahoy sa Barangay Rizal, San Guillermo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt Joseph Jonathan Binayug, hepe ng San Guillermo Police Station, sinabi niya na ang kanilang nakumpiska na 81 white Lawan ay aabot sa 1,533 board feet at nagkakahalaga ng 76,650 pesos.

Sa pakikipag-ugnayan aniya ng San Guillermo Police Station sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)  ay pinuntahan nila ang barangay Rizal na isa sa mga liblib na lugar sa San Guillermo, Isabela.

Ang mga iligal na pinutol na kahoy ay napag-alaman nilang pag-aari ni Arnold Baltan na residente rin sa nasabing barangay.

--Ads--

Ayon kay PCapt Binayug, ibibiyahe na sana ito ng may-ari ngunit naantala dahil sa pag-ulan sa mga nakaraang araw.

Nagkataon na nakita ito ng isang concerned citizen at inireport sa kanilang himpilan.

Kakasuhan ang may-ari ng mga illegal na pinutol na kahoy ng paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code Of the Philippines.

Ipinasakamay na sa CENRO sa Cauayan City ang mga iligal na pinutol na kahoy.

Ang pahayag ni PCapt Joseph Jonathan, hepe ng San Guillermo Police Station