CAUAYAN CITY – Tiniyak ni Mayor Joseph Tan na handa ang Pamahalaang lunsod sa panahon na ibaba sa mas maluwag na Quarantine Status ang lunsod.
Unang napaulat sa Bombo Radyo Cauayan ang patuloy na pagsasailalim ng Lungsod sa Modified Enhance Community Quarantine o MECQ alinsunod sa naging anunsiyo ni Pangulong. Rodrigo Duterte.
Itoy sa kabila ng pagbaba sa bilang ng mga naitatalang nagpopositibo sa Covid19 sa lunsod na nagsimula noong huling Linggo ng Mayo hanggang sa kasalukuyan na nasa apatnaput dalawang aktibong kaso na lamang.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Mayor Joseph Tan, tiniyak niya ang kahandaan ng Lungsod sa panahon na maisailalim na ito sa mas pinaluwag na Quarantine Status.
Aniya hindi na rin ito humihiling pa ng extension dahil kusa na ring dumarating ang desisyon sa kanilang tanggapan na nakabatay sa pagtaya ng DOH.
Hiling naman ng punong lunsod sa publiko ang patuloy na kooperasyon sa pagsugpo sa Virus pangunahin na ang pagsunod sa mga health protocols.