
CAUAYAN CITY – Halos patapos na ang pagbabakuna ng pamahalaan sa mga nasa A3 Category at malapit nang masimulan ang mga nasa A4 Category sa Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education and Promotion Officer Pauline Keith Atal ng DOH Region 2, sinabi niya na karamihan sa mga nabakunahan na ng dalawang dose ay ang mga A1 o mga health workers.
Aniya nasa 94% o 60,622 na mga health workers ang nabakunahan na ng 1st dose at 74% o 43,808 naman sa mga ito ang nabakunahan na ng 2nd dose.
Ang mga senior citizen at na kabilang sa A2 Category ay mayroon nang 84,585 nanabakunahan ng 1st dose at 21,444 sa mga ito ang nabakunahan na ng 2nd dose.
Ayon sa DOH Region 2 nasa 24% pa lamang sila sa kabuuang target na mabakunahang senior citizens sa rehiyon habang sa mga may comorbidities ay nasa 49.55% na ang natapos.
Umaabot sa 94,662 na mga nasa A3 Category ang nabakunahan
Ayon kay Officer Atal marami mang gustong magpabakuna ay limitado naman ang suplay kaya pahirapang matapos ang vaccination rollout sa rehiyon.
Aniya nag umpisa na rin sila sa pagbabakuna sa mga A4 Category kung saan kabilang dito ang mga nasa frontline services at ibang National Government Agencies sa Rehiyon na umabot sa 4,580 na katao samantalang tatlo pa lamang ang nabakunahan sa mga indigents.










