--Ads--
CAUAYAN CITY– Aktibo ang maraming Pilipino sa Israel sa kanilang pagboto sa pagsisimula overseas absentee voting .
Ayon kay Bombo International News Correspondent Mina Fabros Marquez, OFW sa Israel, sa kasalukuyan ay nasa mahigit 3,000 OFW na ang nakaboto sa embahada ng Pilipinas.
Pila-pila ang mga Pinoy na bumoboto sa Tel Aviv kung saan madalas dumadagsa ang mga botante tuwing biyernes ng hapon hanggang araw ng Sabado.
May kanya-kanyang paraan ang bawat Filipino Organizations na nag bibigay ng shuttle service para sa mga botante na magtutungo ng Tel Aviv pabalik.
--Ads--
Aktibo rin ang presidente ng OFW sa Beersheba upang hikayating bumoto ang mga OFW na kasalukuyang naka day-off gayundin na mabigyan sila ng free shuttle service.