CAUAYAN CITY– TInaya ng isang sports analyst na si Karl Batungbacal na hindi aabot sa Game 7 ang NBA Finals.
Sa Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sports Analyst Karl Batungbacal na ito ay matapos umabante na ang Boston Celtics matapos itala ang ikalawang panalo laban sa Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals sa iskor na 116-100.
Mula sa first quarter hanggang sa 4th quarter ay lamang sa score ang Boston at hindi na ito binitawan hanggang sa matapos ang game.
Inihayag ni Sports Analyst Batungbacal na inasahan na niya ang panalo ng Boston Celtics dahil sa homecourt advantage maliban pa sa pagiging on point execution sa Game 3.
Ayon pa kay Sports Analyst Batungbacal, nakulangan siya sa pag-rebound ng Golden State Warriors at wala silang gaanong scoring maliban kina Klay Thompson, Stephen Curry at Andrew Wiggins at wala ring puntos ang kanilang mga secondary scorers
Kapansin pansin sa Game 3 na ang players ng GSW ay maraming fouls tulad nina Curry na mayroong apat na fouls at apat na fouls din kay Draymund Green.
Dapat anyang mag-ingat at iwasan ng mga GSW players na magkaroon ng fouls at panatilihin ang pagiging defensive.
Nakikita rin ni Batungbacal na mayrong plano at naeengganyo ang Boston Celtics na tapusin ang serye ng maaga at hindi na paabutin ng Game 7.
Nanguna sa opensa ng Boston si Jalen Brown na kumamada ng 27 points na sinuportahan naman ni Jason Tatum na may 26 points kasama na ang tatlong three point shots.
Malaking bagay din naman ang ginawa ni Marcus Smart na nag-ambag ng 24 points.
Sa kampo ng Warriors nasayang ang 31 points ni Stephen Curry kasama na ang anim na three points shots. Nasa 15 sa kabuuang puntos ni Curry ay naipasok niya sa third quarter.
Maging ang diskarte ni Klay Thompson na nagpakita ng 25 points at limang three point shots ay nasayang rin.
Minalas pa ang Warriors matapos na ma-foul out si Draymond Green kahit malaki pa ang natitirang minuto sa 4th quarter.
Batay naman sa kasaysayan ng NBA Finals, nasa 39 na beses na ang magkaribal na teams ay nag-split sa unang dalawang games, lumalabas na 82% o mas marami raw ang nagkampeon doon sa mga nanalo ng teams sa Game 3.
Ang Game 4 ay gagawin sa Sabado dakong alas-nuebe ng umaga sa teritoryo pa rin ng Boston.