--Ads--

CAUAYAN CITY – Handa na ang COMELEC Region 2 sa pagsisimula ng Voters Registration sa Hulyo para sa Barangay at SK elections sa buwan ng Disyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Jerby Cortez, Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2 na magsisimula na ang pagpaparehistro para sa Barangay at SK elections sa buwan ng Disyembre mula ikaapat hanggang ikatatlumpo ng Hulyo.

Nilinaw nama niya na hindi kasama ang transfer of registration para maiwasan ang paglipat ng mga botante na gusto lamang lumipat para sa kanilang sinusuportahang kandidato.

Ang kasama lamang ay ang new registration at correction sa pangalan o reactivation ng voters.

--Ads--

Ang mga edad labinlima hanggang tatlumpo ay puwede nang magparehistro para sa Sangguniang Kabataan.

Sa mga magpaparehistro ay magdala lamang ng ID at kung wala ay dalhin ang original at photocopy ng kanilang birth certificate.

Hindi naman tatanggapin ang Cedula at PNP clearance.

Ang Barangay at SK elections ay gaganapin sa ikalima ng Disyembre, 2022.