--Ads--

Nakapasok na sa quarterfinals ng AFC Women’s Asian Cup 2026 ang Philippine women’s national football team, ang Filipinas.

Ang kanilang pag-usad sa knockout stage ay nakumpirma matapos tambakan ng Japan ang Vietnam, 4-0, sa huling laban ng Group C sa Perth.

Dahil sa resulta, ang Filipinas ay nagtapos bilang ikalawang best third-placer, matapos makapagtala ng isang panalo at dalawang talo sa Group A, may minus-2 goal difference.

Nakapasok din ang Uzbekistan mula Group B na may parehong minus-2 GD.

--Ads--

Samantala, bumagsak ang Vietnam sa minus-4 GD, kaya’t ang Pilipinas ang tuluyang nakapasok sa huling walo.

Sa quarterfinals, haharapin ng Filipinas ang powerhouse na Japan sa darating na Marso 15 sa Sydney.