CAUAYAN CITY– Itinuturing ng isang sports analyst na 50-50 ang laban sa pagitan nina WBC featherweight world champion Mark “Magnifico” Magsayo at dating world champion Rey Vargas na magaganap bukas araw ng Linggo sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni sports analyst Ian Dalog na maituturing na de kalidad ang mga suntok ni Vargas bukod pa sa may mas malawak na karanasan sa boksing at ang kanyang trainer ay ang legendary boxer na si ‘Nacho’ Beristain na siyang nag-train kay Juan Manuel Marquez.
Isa pang advantage ni Vargas ay ang kanyang height na 5’10” at may reach na 70” reach kumpara Magsayo na 5’6” at 67” reach.
Maari din anyang gamitin nito ang mga naturang advantage na jab at suntok saka tatakbo ang gagawin.
Naniniwala siyang magbibigay naman ng quality fight si Vargas kay Magsayo.
Si WBC featherweight champion Mark Magsayo ay may record na 24-0,16 KOs habang si dating 122-pound champion Rey Vargas ay may 35-0, 22 KOs .
Samantala, baon din ni Mark Magsayo ang kanyang pagiging aggressive boxer at makikipagsuntukan face to face.
Ang kanyang coach ay si Freddie Roach na isa ring magaling na trainer ni Manny Pacquiao.
Ang nakikitang gagawin ni Maysayo ay kailangan niyang habulin at lumapit kay Vargas para makasuntok at maibigay ang kanyang forte na counter upper-cut.