--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi na ikinagulat ng national chairman ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang lumabas na report ng Commision on Audit o(COA) hinggil sa overpriced at outdated na laptop na binili ng department of Education (DepEd).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinab ni Ginoong Benjo  Basas, national chairman ng  TDC na may lumabas nang ulat tungkol sa report ng  COA  noong nakaraang taon.

Dapat aniyang magpaliwanag ang DepEd hinggil sa nasabing usapin .

Kailangan dingg magkaroon ng imbestigasyon at papanagutin ang mga mapapatunayang sangkot sa iregularidad.

--Ads--

Hiling nila ang patas na pagsisiyasat  para malaman kung may pagkukulang at pagmamalabis ang mga opisyal ng DepEd sa pagbili ng mga laptop na mababa ang specifications ngunit mataas ang presyo ng mga ito.

Binigyang-diin ni Ginoong Basas na ang mga guro ay nangungutang at gumagastos ng sariling pera para makabili ng laptop ngunit mayroon naman palang pondo ang DepEd na pambili nito.