--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 200 na individual  ang inilikas sa mga evacuation center sa Maconacon, isabela kung saan naglandfall kaninang 10:30 ng umaga ang bagyong Florita.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan,  sinabi ni Private First Class (PFC) Jaymor  Dionido, Civil Affairs NCO  ng  95th Infantry Battalion Philippine Army  na inilikas sa mga paaralan ang 69 families o 227 na individual sa ilang barangay sa bayan ng Maconacon.

Ayon kay Pfc Dionido,  bago naglandfall ang bagyo ay naramdaman ang malakas na ulan at mataas naman ang hangin.

Walang mga napinsalang bahay maliban sa mga natumbang puno ng kahoy.

--Ads--

Patuloy ang monitoring ng 95th IB sa mga barangay sa  bayan ng Maconacon.

Unang nagsagawa  ng preemptive evacuation ang pamahalaang lokal ng Divilacan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Constante Foronda na  17 families o 76 individual ang inilikas sa evacuation center dahil gawa sa mga light materials ang kanilang mga  bahay.

Dahil sa pagtaas ng water level ng Cagayan River  ay hindi na madaanan ang overflow bridge sa Baculod, Lunsod ng Ilagan.

Samantala, kaninang umaga ay sinuspindi ni Governor Rodito Albano ang klase sa lahat ng level sa  Isabela maging ang trabaho ng mga pampublikong tanggapan at mga ahensiya ng pamahalaan.

Sinabi ni Gov. Albano na nasa pagpapasya ng mga pamahalaang lokal ang pagsasagawa ng preemptive evacuation depende sa sitwasyon sa kanilang lugar.