--Ads--

Nasa heightened alert status ang Bureau of Immigration (BI) bilang paghahanda sa pagdating ng mga dayuhang delegado na lalahok sa 2026 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Nag-deploy na ang ahensya ng nasa 782 tauhan mula Nobyembre 11 hanggang 20 upang matiyak ang mabilis at maayos na pagproseso sa mga dayuhang dadalo sa mga aktibidad ng regional summit.

Personal namang mino-monitor ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, kasama ang mga deputy commissioner, ang operasyon upang matiyak ang kahandaan ng mga tauhan at tuluy-tuloy na serbisyo sa mga paliparan at iba pang international ports.

May mga BI personnel din na itinalaga sa ASEAN Multi-Agency Coordinating Center upang mapalakas ang koordinasyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan at matiyak ang agarang pagtugon sa anumang aberya o emergency.

--Ads--