--Ads--

Umaasa ang Incident Management Team na matatagpuan na ang nawawalang Cessna Plane dahil sa magandang lagay ng panahon di tulad sa mga nagdaang linggo na may mga pag-ulan na nakaapekto sa aerial search ng mga kasapi ng Tactical Operation Group 2 ng Philippine Air Force.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  provincial Disaster Risk Reduction Management Officer o PDRRM Officer Constante Foronda, na siya ring pinuno ng Incident Management Team na para mas magkaroon ng pagkakataon ang Search and Rescue Team sa pagsuyod sa bulubunduking bahagi ng 20 kilometers radius na pinaniniwalaang kinaroroonan ng nawawalang eroplano ay umaasa silang magkakaroon ng apatnaput walong oras na magandang lagay ng panahon.

Sa kanilang ginawang Search and Rescue Operation ay bigo pa rin ang mga ito na mahanap o matukoy man lang ang kinaroroonan ng Cessna 206 Plane kasama ang limang pasahero nito at isang piloto.

Nakikipag-ugnayan na din umano ang Isabela Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Julio Go sa Incident Management Team kung kinakailangan pa ng karagdagang PNP Personnel.

--Ads--

Makapal  pa rin anya ulap sa ilang bahagi ng Sierra Madre Mountain Range na  pangunahing dahilan  kung bakit hindi makapasok ang mga drone at choppers ng Philippine Airforce sa  kabundukan.

Ayon pa kay Atty. Foronda, mahigit dalawandaang tao na  mula sa sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaano maging ang mga pribadong individwal at mga katutubong Dumagat at Agta ang nagtutulong-tulong na upang suyurin ang kabundukan.