--Ads--

Binigyang diin ng pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army na walang katotohanan ang lumabas sa social media na mga larawan ng mga estudyanteng umanoy napatay sa naganap na engkuwentro sa Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th ID  na ang nasa larawan ay ang mag-asawang sina Charles at Criselda Medrano, residente ng Purok 7, District III, Gamu, Isabela na nasawi sa pagsabog ng granada noong umaga ng ikadalawa ng Pebrero.

Nanawagan siya sa publiko na huwag nang magpakalat ng maling impormasyon at maging mapanuri sa mga ibinabahagi sa social media.

Samantala, patuloy ang ginagawang hot pursuit operations ng mga kasapi ng 95th Infantry Batallion sa labinlimang miyembro ng New Peoples Army o NPA na tumakas matapos ang naganap na engkuwentro sa Hacienta Intal, Baggao, Cagayan.

--Ads--

Naka-recover ang mga sundalo ng isang M16 Armalite rifle at Caliber 45 pistol na gamit ng mga rebeldeng nakasagupa ng mga kasapi ng 95th IB.

Sa nakitang bakas ng mga dugo ay ibat ibang direksiyon ang tinakbuhan ng mga rebelde matapos ang dalawampong minutong palitan ng putok sa tropa ng pamahalaan.

Hinimok niya ang mga natitirang miyembro ng mga rebede na sumuko na sa pamahalaan upang mapagkalooban ng tulong at makapamuhay ng tahimik.