Pinag-aaralan na rin ng 5th Infantry Division Philippine Army ang pagbuo ng team na binubuo ng ilang military personnel na may kaalaman sa Water Search and Rescue o WASAR sa paghahanap sa nawawalang cessna plane.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Captain Rigor Pamittan, Division Public Affairs Office o DPAO Chief ng 5th ID, sinabi niya na ilang beses lamang lumipad ang Aerial team ng Philippine Air Force simula noong Sabado hanggang kahapon dahil sa biglaang pagbaba ng kaulapan sa bahagi ng Sierra Madre Mountain Range kung saan ginagawa ang search and rescue operation sa nawawalang cessna 206.
Aniya, maliban sa Mountain Search and Rescue operations ay may ilang personnel na rin na may kaalaman sa WASAR na binubuo ng Philippine Coastguard na sakay ng kanilang rubber boats ang nagsagawa ng search operation sa karagatang nasasakupan ng Maconacon, Isabela.
Maliban sa Phil. Coast guard ay pinag-aaralan na rin ng 5th Infantry Division Philippine Army ang pagbuo ng team na binubuo ng ilang military personnel na may kaalaman sa WASAR.
Samantala, sa kabila ng buwis buhay na pag-akyat sa kabundukan ng mga Rescue Responder partikular ang mga Military personnel ay tinitiyak naman ng kanilang hanay na nabibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga sundalo na nagtatagal ng ilang araw sa kabundukan.