--Ads--

CAGAYAN – Nagtutulungan na ang 5th Infantry Division Philippine Army at Police Regional Office o PRO2 upang matukoy ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga litrato at videos ng umano’y naganap na armed encounter sa Hacienda-Intal, Baggao, Cagayan.

Ito ay matapos lumutang ang ilang video footage ng naganap na engkwentro sa Baggao, Cagayan kung saan makikita ang ilang sundalong umanoy nasawi at pinupugutan ng ulo ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Captain Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th ID, muli niyang pinabulaanan ang mga naglabasang litrato at video footage na umano’y kuha mula sa naganap na sagupaan sa Hacienda-Intal, Baggao ng mga kasapi ng 95th Infantry Battalion at ilang miyembro ng NPA.

Aniya, ang militar at PRO2 katuwang ang anti-cyber Crime Division ay gumagawa na ng hakbang upang matunton o matukoy ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng mga litrato at videos.

--Ads--

Muling nagpaalala sa publiko ang pamunuan ng 5th ID na iwasang mag-share o magpakalat ng mga maling impormasyon.