--Ads--

CAUAYAN CITY – Nananatili  sa Gamu Police Station si dating Mayor Nestor Uy matapos na kusang sumuko noong Disyembre nang mapag-alaman na mayroon siyang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan dahil sa kasong usurpation of official authority or official function.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Ricson Cabauatan, hepe ng Gamu Police Station na ang kaso  ni dating Mayor Uy ay naisampa noon pang 2013 sa third division Sandiganbayan.

Batay aniya sa kanyang pagkakaalam ay si dating Mayor Fernando Cumigad ang nagsampa ng kaso.

Si dating Mayor Uy ay nasa kustodiya pa rin nila dahil nagpakita ang kanyang abogado ng medical certificate na hindi siya pwedeng magtravel dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

--Ads--

Dahil dito ay nagsumite sila ng return of warrant sa third division Sandiganbayan at hinihintay pa nila ang desisyon kung itutuloy na ibiyahe  ang dating punong bayan o sa provincial na lamang icocommit.

Mahigpit namang minomonitor ang kanyang kondisyon dahil madalas siyang gumamit ng nebulizer.