--Ads--

CAUAYAN CITY Masayang ibinahagi ng mga baguhang team sa Philipine Little League Baseball series ang kanilang karanasan kahit nabigong makapasok sa kampeonato.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Arnel Fabros, head coach ng Zambales sa major south division sinabi niyang ito ang unang beses na sila ay nakasali sa major division sa loob ng ilang taon.

Aniya bagamat karamihan sa kanyang mga manlalaro ay pinili lamang sa iilang barangay ay hindi umano matatawaran ang kanilang ipinakitng galing matapos na makapagtala ng 2 wins and 3 loses.

Malaking pagkakataon umano ito upang hubugin ang kanilang mga manlalaro at bilang paghahanda na rin sa iba pang torneo na kanilang sasalihan.

--Ads--

Ngayong araw ay nakatakda naman ang paghaharap ng Zambales at ng lungsod ng Ilagan upang paglabanan ang ikatlong puwesto sa major south division.

Samantala nakahanda na ang lunsod ng Ilagan para sa huling araw ng Philipine Little League Baseball series.

Ayon kay ginoong Michael Zialcita District Administrator ng Philipine Little League Baseball series sinabi niya na ang City of Ilagan ang pinakamagandang venue na pinagdausan ng torneo sa loob ng ilang dekada.

Aniya kitang-kita nila ang suporta ng pamahalaang lunsod na susi sa matagumpay na torneo.

Mamayang alas siyete ng umaga ay inaasahang sisimulan na ang mga championship games kung saan ang makakakuha ng first at second place sa bawat division ay maglalaro sa national finals sa buwan ng Abril.

Inaasahang maiuuwi ng mga powerhouse team ng Ilocos Norte at Tanauan City ang karamihan sa mga kampeonato subalit hindi rin umano malabong makakita ng mga upsets.