--Ads--

Inihayag ng pamunuan ng Public Order and Safety Division o POSD na magpapatuloy ang ginagawa nilang panghuhuli sa mga kolorum na tricycle at iba pang mga lumalabag sa batas trapiko.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na  tuloy-tuloy ang panghuhuli nila sa mga lumalabag sa mga batas trapiko katulad ng pagmamaneho ng walang helmet, at walang kaukulang dokumento.

Aniya, hindi titigil ang POSD hanggang masigurong maayos na naipapatupad ang mga batas trapiko sa Lunsod.

Dagdag pa niya na lantarang pangnanakaw sa kaban ng bayan ang pamamasada ng mga colurom na mga tricycle sa lunsod dahil wala silang kaukulang permit subalit madalas agawan ng pasahero ang mga may permit at legal na namamasadang tricycle.

--Ads--

Ilan sa mga nahuling mga single motorcycle at kolorum ay naimpound sa mga itinalagang impounding area ng POSD.

Ang ganitong hakbang ay isa sa mga pamamaraan upang maiwasan ang mga krimen at aksidente sa lansangan.