CAUAYAN CITY – Isinasagawa ng Department of Education Isabela ang psychological first aid Training sa mga Disaster Risk Reducation and Management Coordinators at mga guro sa mga paaralan na sakop ng Department of Education o DepEd Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni DRRM Coordinator Cris Dela Cruz, ng DepEd Isabela na layunin nitong magbigay ng psychological first aid foundation sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral.
Ang psychological first aid Training ay nagsimula kahapon at magtatapos bukas, araw ng Sabado.
Ang pagsasagawa ng Psychological first aid Training sa mga DRRM Coordinators sa bawat paaralan na pinapangasiwaan ng DepEd Isabela ay para magkaroon ng augmentation sa kakulangan ng mga Guidance Counsellor.
Itinuturo sa nasabing training ang mga paunang lunas upang masolusyunan ang mga depress na mga mag-aaral, mga biktima ng pambu-bully at iba pang mental health issue na kinakaharap ngayon ng mga mag-aaral.
Dapat anyang alam ng lahat ng mga guro ang Psychological first aid foundation upang agad na matugunan ang mga suliranin ng mga mag-aaral na nakakaranas ng depression.