CAUAYAN CITY – Ang Southern Isabela Medical Center o SIMC ay tumatanggap na ng specialty services tulad ng dermatology, Geriatrics at Burn Unit.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Melchor Dela Cruz, Medical Center Chief ng Southern Isabela Medical Center o SIMC na lahat anya ng mga pagamutan pangunahin na ang DOH hospitals ay kailangang sumailalim sa Performance Governance System o PGS tulad initiations, compliance, proficiency at institutionalization.
Nanawagan din si Dr, Dela Cruz na sa mga magpapakonsulta na magtungo lamang sa mga primary at secondary health facilities upang makatugon sa pangangailangan ng kanilang specialty services sa dermatology, Geriatrics at Burn Unit.
Samantala, dahil kailangang i-isolate ang mga COVID-19 patients ay nababawasan ang kanilang kuwarto para sa mga regular patients.
May 350 bed capacity ang SIMC at ngayon ay mayroong labing anim na COVID-19 Patients ang naka-confine ngayon ngunit mild symptoms lamang ang nararanasan.