--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi nararamdaman ang anumang tension sa pagitan ng Taiwan at China.

Ito ay sa kabila nang naunang pahayag ng pamahalaan ng Taiwan na hindi magdadalawang isip  na pabagsakin ang fighter jets ng Taiwan kapag pumasok sa kanilang air space.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Gina Lin ng Taiwan na nasanay na ang Taiwan na dumadaan sa kanilang air space ang mga fighter jets ng China.

Normal lamang ang ganitong sitwasyon sa kanila basta hindi maging banta sa kanilang seguridad.

--Ads--

Sa katunayan aniya ay bubuksan na ang border ng Taiwan para sa mga Chinese tourist at maging ng mga turista na galing Hongkong.

Maayos na anya ang relasyon ng Taiwan at China sa kabila na pinatawan ng sanction ng China ang Taiwan dahil sa pagdalaw ni U.S. house speaker Nancy Pelosi.

Sa ngayon anya ay magkatuwang ang Taiwan at China sa pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya pangunahin na sa torismo at agricultura.