--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasagawa ang grand Re-opening ng Ilagan Sanctuary ngayong araw ng Lunes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Ginoong Paul Bacungan, tagapagsalita ng pamahalaang Lunsod ng Ilagan na halos mahigit  isang buwan na isinara ang Ilagan Sanctuary matapos isailalim sa rehabilitation at ngayong araw ay muling bubuksan para sa mga mamamayan.

Simula ngayong araw ay hindi na pinapayagang pumasok ang anomang uri ng sasakyan maging ng single motorcycle sa ilagan Sanctuary at lahat ng mga sasakyan ay maaring iparada sa harapan ng Entrance Gate.

Mayroon namang mga golf cart o mini train  na magdadala sa mga panauhin o papasyal sa iba’t ibang lugar pasyalan sa Ilagan Sanctuary.

--Ads--

Sa Poolside ng Ilagan Sanctuary na rin isasagawa ang flag ceremony ng pamahalaang Lunsod ngayong umaga at doon magkakaroon ng ribon cutting sa mga bagong amenities tulad sa pool area, animal kingdom at bagong repair na zipline, zipbike, cable car at go cart.

Mayroon na ring childrens park bukod sa prayer mountain, bougainvillea Mountain at marami pang iba na papasyalan ng mga bisita.