CITY OF ILAGAN – Isasagawa ng Isabela Provincial Health Office o IPHO ang Launching ng Human Papilloma Virus Vaccine.
Inihayag ni Ginoong King Alabon, Health Education and Promotion Officer ng IPHO na gaganapin ang Launching ng HPV Vaccination sa Lunsod ng Ilagan sa ikadalawampu’t dalawa ng Marso 2023 sa ilagan City Community Center.
Aniya, natapos na rin ang launching ng HPV Vaccination sa Lunsod ng Cauayan na nilahukan ng mga batang mag-aaral.
Ang School based-immunization program ay para sa mga edad siyam hanggang labing-apat na babaeng mag-aaral
Layunin ng HPV Vaccination na maiwasan ang pagdevelop ng Cervical Cancer sa mga female population.
Batay sa kanilang talaan ay hindi naman mataas ang may cervical cancer sa Isabela ngunit dahil sa pabata nang pabata ang edad ng mga kababaihan na pumapasok sa pre-marital sex o papalit-palit ng partner ay kailangan ang HPV Vaccination.
Ang cervical cancer ay hereditary o namamana at kailangan itong mapigilan sa pamamagitan ng HPV Vaccine.