--Ads--

CAUAYAN CITY – Nangunguna  ang City of Ilagan National Team, University of Sto Tomas, at NPAA Tuguegarao City, sa medal tallies sa nagpapatuloy Philippine Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex.

Sa ngayon ay may dalawang gold medal, isang bronze sa men at isang gold para sa women ang City of Ilagan upang pangunahan ang Open Elite, na sinundan naman ng University of the Philippines na may dalawang silver medal sa men at isang gold, at dalawang silver sa women.

Nangunguna naman sa Under 20 ang University of Sto Tomas matapos silang makapagtala ng isang gold, isang silver at isang bronze sa men at isang silver sa women. Sinundan naman sila ng Thailand na mayroong isang gold at isang bronze sa men.

Dinomina naman ng NPAA Tuguegarao City ang Under 18 matapos nilang makamit ang isang gold at isang silver sa men at isang gold at isang silver sa women, sumunod  sa kanila ang City of Ilagan na mayroong isang, gold, isang silver at dalawang bronze sa women.

--Ads--

Ikinatuwa naman ito ng mga manonood na Ilaguenio lalo’t ang ilan sa kanila ay dumayo pa upang masaksihan ang mga atleta.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginang Annabelle Jimenez, sinabi niyang sulit ang pagtutok at panonood nila maghapon sa torneo lalo’t ang kanilang mga pambatong atleta ang nangunguna ngayon sa medalya.

Samantala sa mga resulta naman ng laro kahapon, para sa triple men under-20 Category ay nakuha ni Alvin Lopez Jr. ng Lapaz tracksters ang gold medal na sinundan ni Renchard Pagulayan g University of Santo Tomas at nakuha ng Christian Rie Avila ng Tacurong City ang bronze medal.

Sa 200-meter run Women Under 20 ay nakuha ni KarenMae PelEgria ng Guang Ming College ang gold medal, ang silver medal ay nakuha ni Lea Kriszeda Ordinario ng University Santo Tomas habang ang bronze medal ay nakuha ni Christine Guergio ng University of Santo Tomas

Habang sa 200-meter run men Under 20 Category ay Phiraphat, Ponjon ng Thailand ang gintong medalya, ang silver medal ay nakuha naman ni Edrick Fievel Florentius ng Saba Malaysia habang ang bronze medal ay nakuha Mark MJ Giray ng Lapaz tracksters.