--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa kahapon ang pre-disaster risk assessment  at tinalakay ang mga kailangang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer  (PDRRMO)  Roldan Esdicul na bukod sa pagtatali ng mga bubong  ng mga bahay ay nag-preposition sila ng mga family food packs sa bawat bayan sa Batanes.

Ipatutupad lamang nila ang preemptive evacuation kung ramdam na ang epekto ng bagyo ngunit sa ngayon ay wala pa itong epekto sa Batanes.

Tiniyak ni Ginoong Esdicul na handa ang mga evacuation center na tutuluyan ng mga mamamayan sakaling  matindi ang epekto ng bagyo

--Ads--

May anim na libong  family food pack na ang naka-preposition sa mga munisipyo at mayroon pang darating ngayong araw.

Nakahanda rin ang kanilang mga heavy equipment para madaling matugon  kung kinakailangan.