--Ads--

CAUAYAN CITY  – Umabot na sa walong  individual ang naitala ng Police Regional Office 2 na lumabag sa election gun ban.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, Information Officer ng Police Regional Office 2 (PRO2) sinabi niya na mula noong August 28, 2023  ay nakapagtala na sila ng walong paglabag sa election gun ban.

Pinakahuli  ay naitala kagabi sa kasagsagan ng  drug buy bust operation sa Lunsod ng Tuguegarao nang makipagpalitan ng putok sa  mga operatiba ang apat na suspek.

--Ads--

Ang  isa ay dinala sa ospital habang   ang isa ay nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency   (PDEA) at ang dalawa ay sinampahan na ng kaso.

Patuloy ang mahigpit na pagmamando sa mga  inilatag na  COMELEC checkpoint at tinitiyak  ng bawat himpilan ng pulisya na maayos na nasusunod ang kanilang protocol.

Samantala,  nakatakda silang magkaroon ng peace covenant signing kasabay ng peace rally  at makakatuwang nila ang mga kandidato sa Barangay at 2023 Sanguninang Kabataan Elections (BSKE).

Sa kasalukuyan ay wala pa rin silang naitatalang election hotspot sa Lambak ng Cagayan dahil hindi pa nagsisimula ang campaign period.

Pinaigting  ng PRO 2 ang pagsasagawa ng pagpupulong para sa monitoring sa ipinapatupad na gun ban at iba pang operasyon ng pulisya.