--Ads--

CAUAYAN CITY – Pormal nang nagsimula kahapon ang Kasangga Joint Army to Army Exercises ng Pilipinas at Australia sa 5th Infantry Division Headquarters, Upi, Gamu, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan mga sundalo ng 5ID at Australia Defense Force.

Aabot sa limampung personnel ng 1st Battalion, Royal Australian Regiment, Australian Army habang ang Philippine Army contingent ay binubuo ng isandaang personnel mula sa 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division.

Kabilang sa isasagawang pagsasanay ang jungle and urban operations, breaching operations, tactical casualty care, jungle survival training maging ang intelligence, surveillance at reconnaissance operations.

--Ads--

Magpapalitan din ng taktika at impormasyon ang 5ID at Australia Defense Force sa paglaban sa mga teroristang grupo.

Ayon kay Maj. Pamittan inaasahang matatapos ang pagsasanay ng dalawang bansa sa ikadalawamput isa ng Hunyo, 2024.