--Ads--

Ipinagdiwang sa lungsod ng Cauayan kahapon ang Bamboo Pride Festival 2024 na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng 300,000 pesos upang bigyan ng pantay pantay na pagkilala ang bawat indibidwal sa kahit anong kasarian.

Ginanap sa Isabela State University Cauayan Campus ang nasabing programa na dinaluhan ng mga indibidwal mula sa iba’t-ibang bayan at paaralan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Christian Gonzales, Program Coordinator, sinabi niya na ngayong taong 2024 ang pangalawang beses na ipinagdiwang sa lungsod ang nasabing programa.

Layunin ng programa na mailayo sa diskriminasyon ang mga Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer questioning,intersex, asexual, o LGBTQIA+.

--Ads--

Mayroong iba’t-ibang aktibidad para sa lahat ng IsabeleƱo,  tulad na lamang ng BahagReyna 2024, libreng gupit at make up, transformation contest, trashion Designer’s competition, Lesbian basketball game, Free HIV testing, at Bamboo Pride ball.

Sa kanilang pagtaya, umabot sa mahigit isang libong katao ang dumalo sa selebrasyon.

Dagdag pa ni Atty. Gonzales, dahil sa programa ay nagkaroon ng malawak na pang-unawa ang mga indibidwal sa kinahaharap na diskriminasyon ng mga LGBTQ.