CAUAYAN CITY- Nadakip ng pulisya ang isang Ginang na umano’y tumanagay ng mga alagang baboy sa Benito Soliven, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpl Luis Catembung Jr, imbestigador ng Benito Soliven Police Station aniya na alas tres ng madaling araw ay nagpapatrolya sila ni Patrolman Damian Martinez Jr nakita nila ang Ginang na si alyas Anna habang na-stand by sa harap ng Our Lady of Peace Parish.
Dito ay kinausap nila ang Ginang at iusisa kung saan siya nang galing at kung bakit nasa labas pa ito ng ganung oras.
Batay sa suspek galing umano ito sa Brgy. Gayung-gayong, City of Ilagan at habang kinakausap nila ito ay dito nila napansin ang bitbit nitong sako na may lamang mga biik.
Dahil sa kahinahinalang mga sagot ng Ginang ay nagpasya silang dalhin na ito sa himpilan ng pulisya bago nagsagawa ng koordinasyon sa kanilang nasasakupan hanggang sa nakita nila ang Facebook post kaugnay sa nanakawan ng baboy partikular ang dalawang biik sa Cabisera 3 sa Lunsod ng Ilagan.
Agad silang nakipag ugnayan sa City of Ilagan Police Station para makaugnayan ang may-ari at doon ay nakumpirma na ang mga narekober na biik ay ang mga nawawalang baboy.
Dahil dito ay sinisilip nila ang posibilidad na ang suspek ay maaaring may iba pang mga kasamahan na nagnanakaw ng baboy sa Lunsod ng Ilagan.
Hinihikayat nila ang lahat ng posibleng nabiktima ng suspek na makipag ugnayan sa mga otoridad.