--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang indibidwal sa isinagawang Manhunt Operation ng otoridad sa Mabini Steet, District 3, Cauayan City sa kasong pagnanakaw.

Ang akusado ay si alyas Isco, 51-anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng Cauayan City, Isabela.

Nadakip ang akusado sa pagtutulungan ng PNP Isabela sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ng hukom sa Second Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 1, Tuguegarao City, Cagayan noong June 3, 2024 sa kasong nabanggit na walang inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya.

Sa ngayon, nasa kustodiya na  ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa dokyumentasyon bago i-turn over sa court of origin.

--Ads--

Napag alaman pa na ang naarestong wanted person ay kasama sa E-Warrant System.