--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi na madaanan ng kahit na anong uri ng sasakyan ang Sta. Maria Overflow Bridge bunsod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog dahil sa mga naranasang pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Abdel Asis Maximo, Hepe ng Sta. Maria Police Station, sinabi niya na kaninang madaling araw ay nadadaanan pa ang naturang tulay ngunit nang dahil sa patuloy ang pagbaba ng tubig mula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at ilang mga matataas na lugar ay tuluyan nang naapawan ang overflow bridge.

Binuksan naman pansamantala sa Publiko ang Sta. Maria – Cabagan Bridge para sa mga light vehicles.

Hindi naman pinahintulutang tumawid ang mga malalaking sasakyan dahil sa mga construction materials na ginagamit sa pagsasagawa ng tulay.

--Ads--

Bagama’t nakaranas sila ng malalakas na pag-ulan kagabi ay wala namang mga residente ang inilikas.

Pinaalalahanan naman niya ang mga residente pangunahin na ang mga nasa low-lying areas na maging alerto sa banta ng bagyo.