--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagyang dumami ang mga munisipalidad ng Isabela na napabilang sa potential passers para sa Seal of Good Local Governance Awards.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DILG Provincial Director Corazon Toribio sinabi niya na kasalukuyan na ang National Validation para sa Seal of Good Local Governance o SGLG.

Ngayong taon ay nasa 31 ang potential passers para sa SGLG subalit labing walo lamang sa mga potential passer ang subject para sa onsite validation habang ang iba na dati nang SGLG awardee ay sumailalim na lamang sa mabusising pagsususri sa mga dokumento.

Sa SGLG ngayong taon ay nagkaroon ng additional criteria gaya ng 5% average economic growth rate kaya may ilang mga LGU ang hindi nakapasok sa listahan ng potential passers.

--Ads--

Kabilang sa mga bayan na bagong passers ang Coastal Municipality ng Dinapigue at Bayan ng San Pablo.

Ang Seal of Good Local Governance ay ang pamatayan para sa lahat ng Local Government Units na sumasabuhay sa sampung mga criteria para sa public service.