--Ads--

Pumanaw na ang kilalang Original Filipino Music Icon na si Socorro Avelino o mas kilala sa tawag na Coritha nitong Biyernes, September 27, dakong alas syete singkwenta ng gabi sa kanyang bahay sa Tagaytay.

Kinumpirma ito ng kanyang asawang si Chito Santos sa isang online interview.

Isinilang noong Hunyo 27, 1951 ang tanyag na musikera at pumanaw sa edad na 73.

Matatandaan na naging bed-ridden ang singer matapos ma-stroke nooong Pebrero 2024.

--Ads--

Nakilala si Coritha sa kanyang mga classic hit songs na “Oras Na,” Sierra Madre,” “Lolo Jose,” at iba pa.