--Ads--
CAUAYAN CITY – Inanunsyo na ng DOST-PAGASA ang pagtatapos ng Habagat season.
Ang hanging habagat ay tinatawag ding southwest moonsoon. Ito ay nanggagaling sa timog kanluran.
Dahil dito ay magta-transition na ang season sa Amihan o Northeast Monsoon.
Ang Habagat ay karaniwang dumarating sa mga buwan ng Hunyo hanggang Oktubre samantalang sa mga buwan naman ng Nobyembre hanggang Marso nararanasan ang ihip ng Hanging Amihan.
--Ads--
Sa pagpasok ng Amihan sa bansa, asahan ang mas malamig na hanging dala nito kumpara sa Habagat.
Ang pagpasok din ng Amihan ang hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon ng Kapaskuhan sa bansa.